Ibelongtome...I Love The Idea Of Loving You...




(Source: just-play-dead)

"Hindi Handa
01-25-11
05:00pm-05:25pm"

Paano ba at saan tayo nagkita?

At bakit ba ang kaibigan mo ang unang ipinakita

Sa unang pagtatagpo bakit iba na agad ang nadama

Bakit nakikita ko sayo ako ang iyong nasa

Hindi nga ko nagkamali pareho pala talaga tayo ng nais makuha

At bakit sinubukan ang relasyong hindi naman sinasadya.

 

Bakit ba marinig lang ang pangalan mo nawawala na sa posisyon ang puso ko

Kapag nakakausap ka hindi matigil ang pagsayaw nito

Na pati ata isip ko eh nilalayasan nako

Nanghihina tuloy ang tuhod ko lalo na kapag magkasama tayo

Hindi mawala wala kabog ng dibdib ko simula ng makilala ka nito

Bakit ba kasi hindi ka mawala wala sa isip ko naiirita nako

Naging masaya parin naman kahit na saglit lang na nagkasama tayo

Kahit na puro away, kulitan at pangakong hindi naman talaga seryoso.

 

 

Bakit ba kasi pinasok ko to ngayon tuloy nagugulo ako

Pipigilan ko nalang itong nadadama ko kesa nasasaktan akong nasa piling mo

Ayoko ng makidagdag na nakakapagpagulo sa buhay o isip mo

Ayokong nagmumukha akong nakikipagkumpitensya sa atensyon at panahon mo

Siguro ok lang namang wala ako

Hindi naman siguro ako kawalan sayo

Kaya dapat siguro umiwas at lumayo nalang ako.

 

 

Sinusubukan lang ba tayo ng tadhana

Dahil sa bandang huli tayo rin ang magsasama?

Bakit ba lalong gumugulo kapag puso at isip na ang nagtalo

Hay litong lito nako, Anu naba ang gagawin ko?

Ititigil ko naba to oh mag-aantay pading ikay magbabago

Sagutin mo naman ako o bago pako tuluyang mabaliw sayo

Oh baka naman kaya ako ganto dahil hindi pa talaga handa ang puso ko para sa pagmamahal mo…

"Bukas
01-25-11
03:23am-04:07am"

Nagumpisa tayo sa wala

Sino kaba tanong ng aking gunita

Hindi ka naman kilala kahit pa ang iyong mukha

Ngunit bakit ang puso pilit ka nitong kinikilala

Nagumpisa tayo sa pag-kakaibigang hindi naman handa

Hindi sinasadyang mahulog pero bakit bigla kang nawala.

 

 

Balik tayo sa dati na parang wala

Nararamdamang pagtatampo ay bumigat ang pagdala

Na miski pangalan moy ayaw ng marinig o makita

Hindi inaasahang babalik kapa na sasabihing akoy mahal pala

Ano ba ang dapat isagot OO o HINDI pagtatalo ng isip at puso

Mahirap pala kalaban ang puso kaya tuloy ito ang nanalo.

 

 

Sa ngayon araw-araw ng magkasama

Pati sa panaginip man ay maligaya

Basta masaya ako ngayon sa iyong piling

Sana namay magtagal diba iyon ang ating hiling

Kaya ikay wag ng magisip at magtanong

Dahil pangako ko sa iyo ngayon

Mamahalin kita hanggang may bukas pa ang panahon.

"♥ Ikaw Yung Para Sakin ♥
01-20-11
03:00am-03-28am"

Excited nakong Makita ka

Excited nakong makilala ka

Kung totoo mang may tadhana,Sana namay dumating kana

Pangako ikaw na talaga yung huli ko

Bakit nga ba ganun mahal kana agad hindi pa man pinagtatagpo

Akin kalang, sayo lang ako yan dapat ang iyong ipangako

Hindi iiwanan at magsasamang masaya habang panahon

Mamahalin kita kahit buhay ko may wakasan na ng panginoon.

 

 

Ano kayang itsura mo?

Mamahalin mo rin kaya ako?

Kinikilig ako hindi ko mawari ang puso ko

Hindi mapakali baka andyan ka lang sa tabi-tabi

Kapag iniisip ka hindi matapos ang pag ngiti

Kahit na matagal pa ang aking pag-aantay

Ok lang kung ikaw namay bigay ng may kapal

Nasan kana kaya kapares ng puso ko

Ibibigay mo ba sa akin kapares nito?

Kapalit naman nito ay magiging magkasama na tayo.

 

 

 

Hinahanap mo rin kaya ako?

Katulad ng pagnanais ko na magtagpo na sana tayo?

Kelan kaya ang pagdating mo medyo naiinip nako

Pero kaya ko to!

Ang saya saya ng puso ko, malapit kana ba?

Nararamdaman ko Paparating kana

At sa pagdating mo maghahanda ako

Kapag sinabi mong hinahanap mo rin ako

“Ikaw ba yung kapares ng puso ko salamat pinagtagpo narin tayo”

Sayo ko lang sasabihin ang salitang nakalaan talaga para satin

Na pagdating sa parehong pagharap sa kanya

Pangako “OO” ang aking bibigkasin.

"Pagkakaibigang Pinag-isa
10-12-10
1:49am-2:34am"

Pagsasamahang pinag-isa

Pagkakaibigang walang kasing saya

Magkakaibang ugali pero pinagbuklod ang bawat isa

Bawat problemang dumarating lahat itoy kanilang kinakaya

 

Kapag magkakasama maraming nakakalimutan

Oras na pala ng uwian malamang patay nanaman tayo nyan

Mag-iisip nanaman ng dahilan para hindi mapagalitan

Pero kinabukasan parang wala lang balik nanaman sa kakulitan

 

Kaaway ng isa kaaway ng lahat

Gulo ng isa gulo ng lahat

Problema ng isa naku malamang problema din ng lahat

Pero kayo padin yung kaibigang habang buhay kong iingatan at ipagmamalaki ko sa lahat

 

Pero minsan habang lumilipas ang panahon may mga bagay tayong kailangang bitawan

Sa saya, sa lungkot, sa kalokohan at tampuhan

Ngunit yung masasayang ala-ala na kasama ang kaibigan yun ang mahirap kalimutan

At hanggang ngayon ay nagkakasundo parin lalong lalo na pagdating sa kalokohan

Nagiging isa lang kasi tayo at hindi na mababago pa yun kahit pa ng kasalukuyan.

"Kahit Pa Masaktan
10/13/09
02:10AM-02:54AM"



YAN NABA YUNG HULI MONG PAALAM?
SIGURADO KANA BA KAYA MO NAKONG IWAN?
LAHAT NABA NG PANGARAP NATIN GUSTO MO NG KALIMUTAN?
O PARA LANG MARAMDAMAN KO NA GUSTO MO LANG PALA AKONG SAKTAN?

HINDI MO BA ALAM INIWAN KO ANG LAHAT?
DAHIL ALAM KO TAYO ANG DAPAT
PERO WALANG NAPALA KAHIT MAN LANG SALAMAT
BAKIT?KAHIT AKO LANG HINDI PADIN BA SAYO SAPAT?

HULING SABI MO IKAY AKIN NG KALIMUTAN
PERO UMAASA PARIN AKO KAHIT NA WALA NG KATUTURAN
MAGHIHINTAY PARIN SAYO,SA DATING PANGAKO MONG BINITAWAN
DAHIL ALAM KO BABALIK KA PARA HINDI NA MULING LUMISAN.

UMALIS KANG WALA MAN LANG KAHIT NA ANONG DAHILAN
INIWAN MO PA SAKIN MAG ISA,PANGARAP NATING GUSTONG MAKAMTAM
NGAYON KELANGAN PABANG MAGHINTAY? O DAPAT NG WAKASAN?
ANG LAHAT NG ALA-ALANG GUSTONG BALIKAN PERO GUSTO NG KALIMUTAN?

TAMA PABANG MULI NA IKAW AY AKING PAG BIGYAN?
SIGURO…..DAHIL KAHIT SA PAGBALIK MOY MAGTAGAL.
HANDA PARIN AKONG MARAMDAMAN
KAHIT NA ANG MULI PANG MASAKTAN!!!

"PAALAM
03-14-09
04:05pm-04:55pm"

SA MINSANANG NAKAKASAMA KA,

SANA SINULIT KO ANG ARAW NA NANDITO KAPA,
NGUNIT NGAYO’Y WALA KANA,
IKAW NGAYO’Y NASA PILING NA NIYA.

SA PILING MO AKO’Y NAGING MASAYA,
PERO BAKIT NGAYON MISKI TINIG MO’Y WALA NA,
PAANO BA HAHARAPIN ANG ISANG KAHAPONG NANDITO KAPA,
NGAYONG BIGLAANG PAGKAWALA’Y KINUHA KA NYA AT LUMISAN KA.

SANA SA AKING HILING IYO’Y DINGGIN NA SA AKING PAG GISING,
IKAW PARIN ANG KAPILING,
ANG DATING ISA NATING PANGARAP,
NGAYOY MAGISANG HIHAHARAP,
AT NAKATINGIN SAYONG NAGPAPAALAM SA ALAPAAP

"Huling Hiling
06-02-09"


Isang gabing nagkakilala

Biglaang relasyong hindi sinasadya

Usapang lokohan napunta sa saya

Sa di inaasahan totoong pag ibig ang nadama

 

Sa unay laru-laro lang at walang malay

Bakit ngayon takot ng sayoy mawalay

Sa kanyang isip palagi itong dumadaan

Pati sa panaginip siya parati ang laman

 

Araw-araw

Naghihintay sayong pagdating

Nagtatanong sa sariling kelan muli maangkin

Kahit na ngayong malayo kat wala sa kanyang harap

Tandaang ikaw naman ang kanyang pangarap

 

Hindi man siya ang taong hiniling

Masaya naman sa kanyang piling

Gabi at araw nananalangin na sana sila nay muling magkapiling

Sapagkat basbas mo na lamang ang kanilang huling hiling.

"Hindi Iyo
09-08-08"

Minsan ng akoy nag-iisa

Hindi maiwasang maisip ka

Hindi mapawi ang aking ngiti

Sa tuwing ang isip ay palaging ikaw

 

Kahit hindi maaming hindi sayo

Inisip ko nalang mali ito

Mali dahil minahal kita

At bakit ikaw lang talaga

 

Kahit na meron na sayo

Sa puso ko tinanggap ko to

Inisip kong hindi ako para sayo

At hindi rin ako ang nakalaan sayo

 

Bakit ba palaging ganito

Isip ko ay laging nasayo

Kahit na akoy hindi iyo

Sa puso ko ikay narito
"HER
09-05-08
12:51am"

The sun is now starting to shine

But im still here thinking how to feel fine

If this is the time to end this stupid line

So please tell me can you really be mine?

 

Thinking of you all day and night

Trying to control of this feeling so tight

Coz I don’t know if your love is right

But I want you here and be mine tonight

 

This pain I feel that I want to heal

Its you I want to be here and near

Coz I want you and your love be real

But my biggest fear is coming to feel

 

Your not mine..

Its you and her..

And that is clear!

NO RIPPING Or ILL RIP YOUR FACE | CODE by: Roy David Farber and Hunson |Tweaked By: YaniLavigne
1 of 2